malungkot ako ngayon dahil wala ka sa tabi ko, iniisip ko kung ano na ang ginagawa mo... kung okka lang,kumain, giniginaw or kung may kailangan ka. Malungkot ako dahil hindi ko alam kung saan patutungo ang lahat ng pag-iisa ko. Minsan kinakabahan kung ako pa ba ay iyong babalikan, kung ako lang ang nasa iyong isipan, tinitibok ng puso at sinisigaw ng iyong buong pagkatao.
Umagang kay ganda ikaw ang aking nais magunita, sa gabi ng aking pag tulog tinig mo ang nais kong huling marinig... ngunit ang distansiya na naglalayo sa atin ay mahirap talunin lalo na kung sa tabi mo ay may humaharang upang ikaw ay aking sandaling makapiling...
Ang malaman na ok ka at ang marinig ang boses mo ay sapat na upanag mapanatag ang naantig kong puso...
Ang lagi mong sambit ay drama lang itoh, pero kung ang pag-ibig ng totoo ay isang drama lamang malamang na ako ang magiging super star ng buhay mo.. dahil sisiguraduhin ko na bawat sandali ng ating eksena ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ito ay iyong maisama sa iyong magagandang alaala...
Mahal ko, bihira ko man iapahayag ang aking tunay na nararamdaman, nais kong iyong malaman na marami man ang dumating sa aking buhay.. tanging ikaw lang ang mamahalin kong tunay...
Tuesday, December 18, 2007
Madness
Posted by
Sweetheart
at
5:56:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment