Monday, December 24, 2007

Wala Ka...

Ika-24 na ng Disyembre wala ka na naman sa tabi ko....



Madaling natapos ang kahapon pati na rin ang mga araw na dumaan sa atin. Sana alam mo na kung mapapabagal ko lang ang takbo ng panahon at oras ititigil ko iyon sa araw na kung saan ako ay maligaya... Ika-23 ng Disyembre 2007 isang taon na rin ang lumipas noong dumating ka mula probinsiya, lagi akong masaya sa araw ng pagbabalik mo dahil alam ko marami kang kwento . Pero ngayon ay batid ko ang puwang sa ating pag-sasama, wala na ang dati mong sigla kapag tayo ay nagkikita, hindi ka na rin makulit siguro nga ay mature ka na... minsan ka na lang maglambing, bitin pa dahil pagod ka.... hindi ko na tuloy mapicture out yung buhay ko kapag nasa tabi mo... ngayon hindi ko alam kung masaya ka pa rin sa piling ko or may iba ng pumupuna ng kasiyahan na yun sa piling mo. Mahal ko hindi ako pinanganak kahapon para tanggapin na kapag sinabi mo na namamatay ang cellphone mo kapag tumatawag ako ay paniniwalaan ko, hindi ako manhid na nanlalamig ka na kapag nilalambing kita, hindi na nga kita kilala ng lubos lalo pa akong nahihirapan na kilalanin ka pa dahil sa mga pakiramdam ko na may humahati sa atensiyon mo. Kung noon ay kahati ko ang kaibigan mo, hanggang ngayon sila pa rin ang kahati ko, hindi mo maitatago sa akin na yun lang ang alam ko sa buhay mo ... masaya ka kapag kasama mo sila, buo ang araw mo kapag naglalaro kayo... hindi naman kita masisisi, siguro ay kasalanan ko na rin na ganito ang sitwasyon natin ngayon kasi hindi pa rin lubos ang kalayaan ko... hindi pa rin ako makalabas ayon sa gusto ko,hindi makapagdesisyon kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko hindi ko pwedeng sabihin na sana mawala na sila sa buhay ko para magaw ko na ang gusto kong gawin dahil hindi ko rin maitatago na sa kanila pa rin ako umaasa at sila pa rin ang kaligayahan ko... alam mo naman kahit unti-unti na kaming nagkakawatak watak sila pa rin ang pamilya ko, kahit bumaliktad man ang mundo at ikaw ang next life... naisip ko mas mabuti na yung ikaw ang next life ko kasi yung next life nga daw diba eternal and mas masaya, wala ng masasaktan at iiyak doon alam ko magiging maligaya na nga tayo.
On the 2nd thought... masaya na ako ngayon kasi dumating ka, akala ko hindi na naman kita makikita eh kaya nag-mumukmok ako dito sa diary natin, mish na kasi kita eh alam mo naman wala naman akong mapagsabihan ng nararamdaman ko dito...hindi naman ako pwedeng umiyak, umiyak man ako dapat walang luha kundi mag-aalala lang silang lahat sa akin. Ngayon masaya na ako, nakakangiti na kasi nakita na kita... I love you maheart.... sana ay maging masaya ka sa reunion ninyo sa Trece.. lab lab mumumu




No comments: