Saturday, January 5, 2008

Sana


Ang kaibigan laging nandian,
Dumadalaw kahit hindi kailangan,
Tumatawag kahit walang sasabihin,
Pinupuntahan kahit hindi sadya...

Ang kaibigan hindi napapalitan,
Dumadami hanggang sa iyong pagtanda...
May umaalis, ngunit sila pa rin sa'yo ay mahalaga,
May dumarating at tinitiyak mo na mapaparamdam mo sa kanila ang kanilang halaga.

Ang kaibigan mo ang una mong takbuhan..
Sa lahat ng problema, pag-ibig man o pamilya,
Dadamayan ka kahit hanggang madaling araw pa...
Basta alam niya na ok ka.

Ang sarap ng pakiramdam na kung ikaw ang aking kaibigan...
Hindi kailanman ako ay masasaktan,
Masaktan man ako alam ko na may tugon ka dito..
Dahil magkaibigan tayo, alam ko na matutulungan mo rin ako.

Kaibigan kang maituturing noon sa akin,
Ngayon ay higit pa sa pagkakaibigan ang ating maituturing
Mga dating problema ay ating tinatawanan
Ngayon atin itong hinharap ng may pananagutan

Noong magkaibigan, walang lihiman...
Tayo ay nagtatawanan sa mga pagsuway natin sa ating magulang...
Di natin alintana ang mga kamalian...
Ngunit ngayon ay lumuluha sa bawat hindi magandang balita.

Kung sana tayo ay magkaibigan pa rin...
Ikaw ay tatawanan sa lahat ng mga babae na iyong lolokohin...
Tatanungin at sasamahan sa lahat ng iyong happenings...
At pagkekwentuhan ang mga nangyari sa buong hapon na hindi ka kapiling.

Dadalaw sa inyo ng walang malisya...
May iba man na dumikit sa'yo, di ako magaalburuto...
Di ko mararamdaman na marami kang katext, dahil lahat ito ay kakilala ko
Dalawa o tatlo man ang syota mo, kakaibiganin ko yung isa para hindi ka mabuko.

Pagtatakpan ka sa iyong magulang,
Kapag ikaw ay aking tatanugin ay dagli kang sasagot kung ano man ang nangyari...
Sa akin tatakbo kung ayaw mong umuwi sa inyo...
Hindi matutulog buong gabi para magkwentuhan tayo.

Napakasarap balikan, buhay natin noong tayo ay magkaibigan...
Walang iyakan puro tawanan...
walang pagdududa, puro kulitan...

Kung sana tayo ay magkaibigan..
Hindi sana sako ngayon ay nasasaktan...
Di sana walang hiwalayan...

No comments: