Thursday, February 21, 2008

"Sad to Belong"

Minsan darating ka talaga sa moment of truth na bigla ka na lang mapapaisip kung ok pa ba ang ginagawa mo, kung sobra na, kung may nassaktan ka na or baka yung ginagawa mo na akala mong tama ay mali na pala... Kailan nga ba natin masasabi na tama na, ayaw na natin at dapat na tayong sumunod sa kung ano ang gusto ng nakararami.
Sa lahat ng pinag-daanan ko hindi ko na rin alam kung ano ang paniniwalaan ko at kung ano ang dapat na patuloy ko pa rin gawin, minsan pati ang pagmamahal pinagdududahan ko na... It is just to say na, para pa saan ang pagkakaibigan kung lahat pwede naman maging sweet... like what others say... "your friends will always be the sweetest thing that will happen in your life" kasi sila naman talaga ang lagi natin karamay sa lahat ng problema natin, may maitulong man sila or wala ok lang basta nasabi mo kung ano ang nararamdaman mo.. masaya ka man or hinde, naiiyak or gusto lang tumawa. Ang lagi nilang sambit, makakahanap ka ng panibagong boyfriend pero hindi ang bagong kaibigan na masasandalan.
Para saan ba ang pagkakaroon ng boyfriend? kung nandiyan naman ang ating mga kaibigan... Ang kaibigan hindi ka paiiyakin, umiyak ka man sa konting kwentuhan sa susunod na araw ok na kayo agad kasi wala lang yun... then you'll realize the next morning he will still be your good old friend kahit ano pa ang sabihin ng iba.. pero ang boyfriend kapag nag-away kayo panigurado kinabukasan 50/50 na lang ang tiyansa na kayo pa rin sa susunod na paggising mo. Hindi mo nga masabi sa boyfriend mo na may bago kang crush kasi hindi na pwede yun, hindi mo rin masabi sa kanya kapag may nakikita kang gwapo sa paligid mo.. unlike kapag friend mo pwede ka pang makipag-pustahan kung gwapo ba siya or hinde or pasado ba siya sa mga standards mo or hindi with the rate of 1-10... hindi mo rin naman masasabi na kapag may boyfriend ka may maghahatid sa'yo at may manlilibre at the same time ng pamasahe and food for everyday kasi you'll always find a friend na pwedeng manlibre sa'yo even before you open your mouth and say it to him, kusang binibigay hindi kasama sa listahan ng utang... ok lang din kung may regalo ka or wala sa lahat ng occasion, mas lagi ngang present ang mga kaibigan mo sa lahat ng occasion sa buhay mo eh compare sa isang boyfriend na pre-occupied kasi ang daming responsibilities na ang laging dahilan is para sa future ninyo. Ang pagkakaibigan hindi mo kailanman maisip kung hanggang kailan kaya ang pagkakaibigan namin? kasi sa pagkakaibigan laging masaya kasi parang school lang at bahay yan, mas matagal ka pang nasa school kesa sa bahay kaya mas masaya kang nasa school ka kaysa sa bahay.
Ano ba ang dahilan natin para magkaron ng kasama at magpakasal for better or for worst? kung siguro uso ang kasal sa magkakaibigan, ang dami na natin asawa at tiyak may away man masaya pa rin kasi walang issue ng agawan, selos at kung ano ano pa... walang feeling of depression kung tatanungin mo ang isang magkaibigan, walang bitterness kung makikita mo siyang may kasamang iba kasi magkaibigan lang kayo. Sa buhay ng tao, ano ba talaga ang mas matimbang? kaibigan o ka-ibigan?
Ang gulo nga naman ng buhay ng isang tao noh, siguro nga ito yung patotoo na "man can never live with bread alone" and that "no man is an island". Hindi talaga tayo makukuntento sa kung ano ang meron tayo, gusto natin na hindi na ito maagaw ng iba at tayo lang ang magiging special para sa kanila, kaya nga natin sila pinapakasalan eh para isecure yung future natin na may makakasama tayo habambuhay.. higit pa sa kaibigan, higit pa sa masasandalan... kahit na nasasaktan tayo, handa naman tayong magsacrifice para sa pinili natin na alam natin na ikaliligaya natin at ikakakuntento ng buhay natin.
One day... you'll end up asking kung "What if...?" then you'll say "sorry, sad to say... but I'm already belong to"....
"We can only live life once, so live life to the fullest... take no regrets and just be happy with whaterver outcome you may get... yes you may fail, but bring this with you always to have a better and stronger foundation in facing life's conciquences. Life is not a matter of chance but its a matter of your choice. Be who you want to be, be truthful to wat you see".

Tuesday, January 15, 2008

Emptiness...

Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2008-01-04
Wala na naman akong makausap, siguro kung makakahanap ako ng isang tao na pwedeng makinig sa lahat ng nararamdaman ko ngayon at ipapaliwanag kung saan na tutungo ang buhay ko kahit paano magiging masaya akoh... sa thursday kung matutuloy man kami sana mahawi ng tubig tapos maiiwan ko na yun dun tapos magiging masaya na akoh... after nun maliligo ako ako sa c.r magsasabon... hmmm siguro isang oras ako tatagl doon... hahaha...
Wala na naman akong kausap at makausap... hindi naman kita makausap sa mga bagay na seryoso kasi ang gusto mo laging masaya,laging walang problema yung walang iiyak... eh ako.. para akong drum na unti unting napupuno na.. tapos umaapaw kaya ako lumuluha, un lang naman ang magagawa ko eh.Umiyak... umiyak ng umiyak hanggang sa wala ng luha na iiyak sa mga mata ko,.... siguro nga hanggang mamatay ako umiiyak na akoh...
Binasa mo nga yung message ko sa friendster... pero as expected wala na naman akong narinig from you na explanation... balewala kahit na mapudpud pa daliri ko kakapadala ng message sa'yo... ayun naglaro ka na naman... habang ako eto patay na yung kaluluwa ko...
Ngayon.. wala na akong laman... bukas parang robot na lang ako na gagalaw kung ano man ang dapat na igalaw ng isang normal.. makikiayon sa lahat ng kanilang kagustuhan,hindi iiyak kahit na nasasaktan dahil wala na akong nararamdaman... bukas sana.... sana ako ay wala na...
Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2008-01-04

Monday, January 14, 2008

Wait and Bleed then DIE...

Pakiramdam ko ngayon para akong kandila na unti unting nauubos, na kapag naubos hindi na muli pang mabubuo... oo na pwedeng mabuo pero kailangang dumaan sa mahabang proseso at ang hindi na muli pang maibabalik ang dati kong anyo at itsura... minsan naisip ko sana tulad na lang ako ng isang puno.... habang tumatagal tumatatag,nagiging matigas... Dati naman hindi ako ganito, hindi ako iyakin,hindi ako nasasaktan i feel numb about the things around me. pero ayun nainlove ako at simula noon naging iyakin na ako tapos sensitive.... pag i-ibig nga naman mamamatay ka sa lumbay at mapupuno ang buhay mo ng iyakan... grrrrrrrrrrr i hate love... i don't even know now how to dscribe it.....

Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2008-01-04

Friday, January 11, 2008

Ang "KASAL" ay ang tunay na "KALAYAAN"...

("inspired by the wedding day of Miss. Glessie Anadilla-Cantada")
-January 10, 2008
-Immaculate Church Dasma
-Vineyard San Agustine Dasma, Cavite


Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2008-01-04



Ang kasal daw ay ang tunay na kalayaan na iyong matatagpuan, ngunit sa iba ito ay kabaligtaran dahil sa ang iba ay nagpapakasal hindi dahil sa pag-ibig kundi ito ay nagiging pambayad utang... mahirap makita ang tunay na pag-ibig... Nakakalungkot man isipin na sa panlabas na anyo na lamang tayo tumitingin ng anyo ng kagandahan at kaunti na lamang ang humahanga sa kagandahang loob... pati ang pag-ibig doon na rin nasusukat kung hanggang saan ito magtatagal."vanity love/fancy love" ito ang tawag ng nakararami sa pag-ibig sa panlabas na anyo ng isang tao, oo nga na nakakalinlang minsan ang kagandahan, pero dapat natin isipin na "not all that glitters are GOLD" hindi lamang ang panlabas na anyo ang ating basihan ng ating pag-ibig pero aminin man natin o hindi sino ba ang makakatagal kung ang makakasama mo buong buhay mo eh halos hindi mo matignan... pero hindi naman natuturuan ang puso kung kanino dapat mahulog, kusa itong tumitibok sa tao na itinakda para dito, pangit man o maganda... gwapo man o hindi minsan dahil sa kakulitan doon din tau nabibihag ng hindi natin nalalaman.
Mahirap nga talgang makahanap ng totoong pag-ibig... paano mo nga ba ito malalman?. ito ba ay iyong nararamdaman? kung ito ay iyong naramdaman sigurado ka ba na siya nga ang tinalaga para sa'yo... sa araw ng kasal maipapangako mo nga ba ang till death do us apart at magsasama pa nga ba kayo for richer or poorer.. or for richer lang?! Nakakloka talaga, minsan nga hindi ko na rin alam ang iisipin, makakahanap ka ng pag-ibig na akala mo yun na nga pero hindi naman pala, akala mo totoo na yun pala naglolokohan lang kayo kahit noong una pa.

" maganda-mataray "
" maganda-tanga "
" maganda-matalino-mayaman "
" maganda-simple-matalino-mayaman-(sa pag-ibig TANGA)"

" panget-malandi-mataray "
" panget-maarte "
" panget-simple-mabait-mayaman-(sa pag-ibig may katangahan)"

" gwapo-mabait-faithful "
" gwapo-mabait-babaero"

" panget-bolero "
" panget-mapansamantala-bolero-babaero "

... ilang mga kategorya ng klase ng tao na nakikita natin sa isang pag-iibigan, sino nga ba ang perfect pair, totoo ba na ang isang taong masama ay maaring magbago dahil sa taong mahal nito... ito ba ang wagas na pag-ibig na hahamakin ang lahat masunod at maangkin lamang ang tao na inaasam... Paano kung hinamak na natin ang lahat pero hindi pa rin sapat? Ang buhay minsan parang pelikula... Kasal at Sakalan.... nakakasakal ang pag-ibig para s iba, eh bakit pa ba nauso ang kasal?... ako, minsan natatakot sa pagpapakasal hindi mo naman alam kung siya na ba talaga... kahit ilan beses mo sabihin ang word na forever, hindi naman laging "love u" ang nasa unahan nun... minsan sa dulo ng 5 taon na kasal ang sinasabi na nila ay... "Hate you FOREVER" and "hiwalay na tayo from now and FOREVER", iisipin mo sayang ang ginastos mo na halos isanla niyo na ang bahay at lupa ninyo sa probinsiya para lang magpakasal... tama ang lagi nilang sinasabi, hindi mo makikilala ang isang tao hanggang hindi kayo nagsasama sa iisang bubong. But the point is, makikilala mo nga ba siya kahit nakatira na kayo sa iisang bubong??? syempre hindi mawawa ang "essesnse of hide and seek", nakakainis diba... hindi mo masabi na kilala mo talaga ang mapapangasawa mo or kahit boyfriend pa lang... eh hindi mo nga mapanindigan na niloloko ka niya by just looking at the way he acts in front of you, dapat laging may ebidensiya at aanhin mo pa ba ng ebidensiya kung ang motto ng lalaki na makakasama mo eh "magkamatayan na hindi ako aamin sa mga kasalanan ko/ panloloko na ginagawa ko".... egoistic? no I don't think so... pride? hindi rin... sadya lang siguro silang makakapal ang mukha.... mambababae na nga lang sila pa ang laging galit na akala mo eh hindi nagkakasala sa buong buhay nila at lagi sila ang tama, at ito pa ang sa sobra naman talagang kakapalan eh dumadating tayo sa point of being the financier... aba all expenses paid sa kalokohan niya... samantalang kapag ikaw ang magloloko eh halos hindi mo maituloy paano, kulang na lng eh lagyan ka niya ng laser detection para alam niya kahit saan ka magpunta kahit hanggang sa c.r alam niya ang ginagawa mo na hmmmm guilty kasi siya dahil alam niya ang mga galaw ng kapwa niya manloloko... ang mga lalake kapag sila ang niloko mo, kunwaring pinagsakluban ng langit at lupa eh hindi naman magawang umamin sa mga kasalanan na kanilang ginawa, tapos kapag iniwan mo aba kunwaring may iyakan pa pero deep inside ang sabi niya " sa wakas binata na naman ako, MALAYA na naman ako",... sa mga ugaling baliko, sino ba naman ang gaganahan na magpakasal, hindi mo alam na habang super faithful ka sa kanya na kahit ata ang pagwiwi mo sa pants mo eh inamin mo na at siya wala pa rin at itinatago ang lahat sa pandoras box niya. Eto pa! ibigin daw ang mga boys na parang 8 years old... let them play all day long, and rest assured that at the end of the day he will always come back to his loving mom in their home sweet home"... eh aba, uuwi talaga yun eh saan siya matutulog sa kalsada... and let them play? minsan hindi mo alam pati ikaw ginagawa nang laruan, dinadampot kung gusto iniiwan kung ayaw na at may nakita na mas maganda.,... ang masakit pa dian... iiwan ka dahil dun sa nakita na laruan na mas maganda... kapag laspag ka nang laruan ka.. sorry kasi bye bye na ang iyong precious boy!. Ang mas masakit na point doon, mas iingatan niya at pahahalagahan sa mas mahabang panahon ang nakita niyang bagong laruan habang ang kanyang iniwan ay luray luray na at pilit na lamang pinapasaya ang sarili habang ang tagapag-alaga niya ay iniwan na siya.


Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2007-12-19
Pangakong till death do us apart... dahil minsan mas nanaisin mo na lang mamatay kesa makasama ang tao na nanloloko sa'yo na hindi mo mapigilan... it doesn't make any sense kahit isang drum pa ng luha ang ilabas mo.. maubusan ka man ng tubig sa katawan kakaiyak eh hindi pa rin naman aamin ang taong manloloko... for richer and for poorer ka siya... eh kahit nga super rich kayo eh much more na iniiwan ka niya tapos para kang bangko na pupuntahan kung magwiwidthraw! ang kasal nga naman talaga ang tunay na kalayaan na maituturing dahil pwede mo nang gawin ang kahit ano man ang iyong naisin... all expenses paid with all valid reason dahil magaling magdahilan ang napili mo... wanna bet kung paano siya mahuhuli.. nah.... puputok na ang utak mo hindi mo pa rin masasabi na niloloko ka niya... tumanda ka man ng maaga kakaisip wah epek yun sa kanya... hindi ka rin naman niya kakamustahin kung humihinga ka pa dahil basta nabubuhay siya at nagagawa niya ang gusto niya.. ok na.... isa pa sa motto niya? "life is so short and so make the most out of it 'coz you can live only once and no repeat" so magi nang manbabae at gawin lahat, sa pagkamatay mo... tapos na ang lahat ng maliligayang araw mo saka malalaman ng lahat ang panloloko mo at kalokohan mo dahil lahat sila nasa lamay mo at naniningil ng mga panustos sa LAHAT ng NAIWAN mo....
Ang kasal ay isang sagradong bagay, ito ay paghingi ng basbas mula sa taas at pangako hindi lamang sa iyong kabiyak at sambayanang tao kundi higit sa lahat ay nangangako kayo sa harap ng panginoon (so ang kapal mo kung manloloko ka lang dahil GOD SEES THE TRUTH BUT WAITS). Isipin mabuti kung ikaw ay magpapakasal dahil hindi ito kanin na mainit na kapag napaso eh atin itong iluluwa.... kundi ito ay kape sa umaga na kahit mainit at tayo ay ilang beses mapaso eh atin itong nanamnamin tapos lulunukin dahil para sa atin ito pa rin ang pinakamasarap na gawin sa umaga at sa kabila ng sakit at hapdi na iyong mararamdaman ay magiging kalakasan mo sa buong araw na magdamagan... basta masaya ka at wag mong hayaan na daigin ka ng paso na iyong matatamo upang hadlangan ang lahat ng sarap na dapat ay sayo lamang nakalaan... isang kape sa umaga buong araw na ligaya...
Image Hosted by ImageShack.us
By cuttie_pinky18 at 2008-01-04