Naranasan mo na ba na mag-ask ng sign? at lahat ng iyon ay nakita mo, naramdaman at naniwala kang ang lahat ng yun ay patungo sa isang makabuluhang bagay/tao/mangyayari sa hinaharap na matagal mo ng hinihintay? Tapos magugulat ka na lang isang araw na ang lahat ng hinihingi mong sign ay totoo, pero sa tao na nakitaan mo ng lahat ng iyon ay pawang NATURAL na pala sa kanya.
Ate, ate, ate... ate at kuya pa ang tawagan niyo, madalas na unang tawagan daw ng hindi mo malaman kung saan patungong relasyon... tatawagin kang ate, eh mas matanda pa pala siya sa'yo, tatawagin mong kuya, pacute ka pa, yun pala taken na .. taken for granted ng girlfriend niya..kaya pinapatulan ang pacute mo sa kanya. Meron naman FRIENDLY ang drama, kunwaring walang gusto , but deep inside super like ka niya, pero dahil friends lang kayo, cannot be tutubi ang ending nito. Eto naman si MANHID at TANGA na kunwari balewala lang sa kanya,yun pala super hulog na hulog na.
Pero paano kung sweet lang naman talaga siya? kuya ng bayan, ate ng kabataan? paano ka na hihingi ng sign kung alam mong lahat ng hinihiling mo ay nakita mo na sa kanya at hindi ka na humihiling pa, kasi umaasa ka na darating ang time na aamin siya at sasabihin na "sa lahat ng ate ko, ikaw ang pinaka mahal ko..."
WAIT!!!! pinaka??? so meaning, may "mahal", "mas mahal", at "pinaka mahal"? saan mo ba gustong ilugar ang sarili mo?... sa gasolina, pamasahe or sa palengke?? kung saan, lahat nagmamahalan na, kayong dalawa na lang ang hindi pa.
Sabi nga nila, "not every MR. PERFECT may actually be Mr. RIGHT", kasi, andyan si Mr. PAASA, Mr. PaFALL, Mr. SWEET at Mr. TEXT adik... Mahilig lang talaga siyang magtxt at magpadala ng quotes na ikaw naman, super kinikilig ka na parang hindi mo alam na forwarded lang sa'yo yun at hindi original composition niya, na hindi lang ikaw ang nakatanggap ng ganun kundi buong nasa phone book niya! at magugulat ka na lang na may magfoforward din sa'yo ng ganon na message in which pareho niyong kilala. Manghula ka na lang sa original sender ng txt niya sayo.
And after mong mafrustrate at ulanin ng magical quotes from Mr. TXT Adik.. andito na to the rescue si Mr. PAASA a.k.a Mr.PaFALL... mega comfort pa siya at super promise ng kung anu-ano... and ikaw naman, mega hintay ka to make it happen, kahit alam mong parang every seconds count sa schedule niya.. and kung may bakante pa? asa ka naman na ilalaan niya yun para matupad ang mga pangako niya!!! kung politiko nga di tumutupad sa pangako, siya pa kayang lahat na nasabi na niya, pero ayun.. sabi lang... thou totoo... wala namang ACTION! baka naman kasi ang motto niya is "pen is mightier than a sword" tabasin mo kay dila niya ng sword at tadtarin na parang Mighty Meety Hotdog!
Nakakatuwa, nakakakilig, pero ang lahat ng ito ay may katapusan din...bakit naman kasi ang torpe ng mga lalake, yung iba bading pa and the rest kung di babaero at manloloko... eh napikot na ng sino... Eto namang si babae.. pa-epek din ang drama, siya na nga nililigawan, nagmamaganda pa! eh siete naman ang buhok niya! kaya maraming tumatandang dalaga at binata eh.
Hay naku...buhay pag-ibig... hindi mo masabi kung si Mr. Paasa eh paasa ba talaga or dahil merong si Ms. Manhid at Ms. Tanga na nahuhulog naman kay Mr. PaFALL... kay Mr. TXT Adik ka na lang kaya...tamang kwentuhan at biruan, kapag pinasahan ka ng matinding banat, balikan mo ng isang matinding palaglag effect!Pangontra sa mga mr. Paasa at PaFALL na tulad ng iba.
One lesson to learn... Try not to look for Mr. Right 'coz you might ended with Mr.Wrong and eventually be Mr. Left you Behind... take care of your heart, live life to the fullest and love like you've never been hurt.